mumu*
dear reader,
may tanong sana ako tungkol sa mga multo/mumu.. aminado ako, matatakutin ako pagdating dyan.. lalo na pagsapit ng dilim, kung ano ano naiimagine ko -- na may nakatayo sa dulong pinto; na kapag nakatalikod ako, may nagmamasid sa kin; na kapag natutulog ako, may nakatayo sa tabi ng kama ko.. na may hihigit sa paa ko kapag lumampas sa kama.. ganyan, mga typical scenes sa movies.. matapang ako manuod, duwag ako in real life.. =p
nun bata pa ko, ang sabi kase (at kakapanuod ng "Pinoy Thriller", "Halimaw sa Banga" at "Magandang Gabi, Bayan!" tuwing Nov. 1.. hehe), nagpaparamdam lang naman daw sila kapag may gusto ipahiwatig.. kaya dapat daw kausapin at alamin kung ano hiling nila.. usually, humihiling daw ng dasal para maging mapayapa yun mumu..
pero weirdo kase kukote ko pagdating sa mga mumu.. mas heightened senses ko kapag nasa pinas.. pero kapag out of the country ako for a project assignment, "nde ako gaano" natatakot.. ang takbo kase ng utak ko -- di din kami magkakaintindihan ng local na mumu kung kausapin ko**.. baket?!?.. kase iniisip ko, pano ko sya kakausapin? sa language nila, english, o tagalog?
ang tanong ko po.. kapag napunta ka ba sa ibang bansa, kung ano local language, yun lang maiintindihan ng mumu? or kapag mumu na, may super powers makaintindi ng different languages (cool to!.. hehe)? ano po sa tingin mo? =)
from,
botchok
(* pasensya na sa topic.. magisa ako sa flat eh, mumu pumasok sa isip ko kagabi.. =p
** epektib thinking to! nababawasan takot ko.. =p)