mumu*
dear reader,
may tanong sana ako tungkol sa mga multo/mumu.. aminado ako, matatakutin ako pagdating dyan.. lalo na pagsapit ng dilim, kung ano ano naiimagine ko -- na may nakatayo sa dulong pinto; na kapag nakatalikod ako, may nagmamasid sa kin; na kapag natutulog ako, may nakatayo sa tabi ng kama ko.. na may hihigit sa paa ko kapag lumampas sa kama.. ganyan, mga typical scenes sa movies.. matapang ako manuod, duwag ako in real life.. =p
nun bata pa ko, ang sabi kase (at kakapanuod ng "Pinoy Thriller", "Halimaw sa Banga" at "Magandang Gabi, Bayan!" tuwing Nov. 1.. hehe), nagpaparamdam lang naman daw sila kapag may gusto ipahiwatig.. kaya dapat daw kausapin at alamin kung ano hiling nila.. usually, humihiling daw ng dasal para maging mapayapa yun mumu..
pero weirdo kase kukote ko pagdating sa mga mumu.. mas heightened senses ko kapag nasa pinas.. pero kapag out of the country ako for a project assignment, "nde ako gaano" natatakot.. ang takbo kase ng utak ko -- di din kami magkakaintindihan ng local na mumu kung kausapin ko**.. baket?!?.. kase iniisip ko, pano ko sya kakausapin? sa language nila, english, o tagalog?
ang tanong ko po.. kapag napunta ka ba sa ibang bansa, kung ano local language, yun lang maiintindihan ng mumu? or kapag mumu na, may super powers makaintindi ng different languages (cool to!.. hehe)? ano po sa tingin mo? =)
from,
botchok
(* pasensya na sa topic.. magisa ako sa flat eh, mumu pumasok sa isip ko kagabi.. =p
** epektib thinking to! nababawasan takot ko.. =p)
10 comments:
magandang tanong yan....
kasi sa SG d ba.. nde lang naman Singaporean mumu ung mga nakita ko.
Pero d sila nagsasalita kaya d ko alam =) d ko tuloy alam sagot sa tanong mo.
by Anonymous, at 2:50 PM
sa manila office mababait ang mga mumu, kumakatok muna sila para alam mong nandun sila. lol
by Anonymous, at 3:12 PM
ako nakakita ako ng mumu dati...jumejebs ako tapos nagdilim ang banyo..parang me aninong dumaan...tapos...tapos..umiri ako...nahulog si jeboy sa kasilyas..tapos...tapos...me humawak sa pwet ko! napa"OH MY GOD GOLLY GEE GOLLY JESUS CHRIST BETCHA MY GOLLY WOW!!!" aku!!! pramis...nangyari to...tapos...kahit na kabado ako...sinilip ko yung kasilyas...binukaka ko yung legs ko at sinilip ko...tapos nakita kong...me nakakabit na jeboy sa pwit ko...nag-rebound sya sa kasilyas sa sobrang bilis ng pagiri ko =D
by Anonymous, at 3:18 PM
pot, baka kaya nde ka kinausap kase, they know "you cannot speak fookien lah!".. haha.. :p
by botchok, at 3:47 PM
"sa manila office mababait ang mga mumu"
mas takot ako sa mumu sa ofc kase tagalog alam nila, not unless galing sa probinsya? :-?
by botchok, at 3:48 PM
"nag-rebound sya sa kasilyas sa sobrang bilis ng pagiri ko =D "
hahaha.. malamang sobrang tigas din ng jeboy mo kase nagrebound, nde kumapit sa kasilyas!.. ang babuy!.. haha.. :p
by botchok, at 3:50 PM
ang tantiya ko -- di na nila kailangang magsalita .. mararamdaman mo na ang gusto nilang ipahiwatig ... based sa mga kuwento, mga malalakas na negative emotions ang usual na dahilan kaya they haunt us .. kaya di ba maraming mumu ang portrayed as either malungkot or obsessive (over something/someone) or vindictive ... either way -- i always pray to my guardian angel na huwag nilang ipalapit ang mga yon sa akin ... di ko yata kakayanin na magkaron ng encounter ... so far naman the prayer works -- alam mo rin yon, analyn, kasi kid's prayer siya --
"Angel of God, my Guardian dear,
To whom God's love commits me here,
Ever this day be at my side,
To light and guard, to rule and guide. Amen."
Kapag takot ka pa rin dagdagan mo pa ng Our Father :) Kung todo na talaga -- The Rosary will surely give you peace.
by Anonymous, at 4:57 PM
hello ms. kras..
yun "Angel of God..", default prayer ko po yan EVERY night.. =)kid's prayer nga sya.. memorize ko pa din bcoz of the "child in me".. hehe.. =)
so far, wala pa din naman po akong encounter (salamat, Lord!).. =)
regards po..
- lyn
by botchok, at 5:23 PM
Basta ako, ok lang silang magparamdam basta magyaya silang gumimik. Kahit inuman lang sa bahay ok na sa akin. Malay natin, mapagusapan pa namin kung bakit sya nagpaparamdam, mas masaya pa kwentuhan.. may beer eh!! lol
by Anonymous, at 6:36 PM
tinola, gimikero ka talaga!.. :P deprived ka ba sa gimik lately?.. ok lang yan, nababawi naman yata sa tekken eh!.. haha.. :P
by botchok, at 6:42 PM
Post a Comment
<< home