botchok

26 April 2005

minamalas

sa daming beses na ko nagtravel, eto na yata pinakaworse ko..

Manila-Singapore
wala akong nakuhang aisle seat.. kung gano kahaba yun eroplano, dun ako sa hulihan nakaupo.. ok naman katabi ko, kaya pwede siguro matulog.. pero mukhang nde yata.. kase ang nanay sa unahan ko nagkwekwento ng buhay nya.. nde lang katabi nya nakikinig sa kanya, pati halos kalahati ng tao sa eroplano!.. hehehe..

6 na oras ang kelangan ko patayin para sa next flight ko.. nagikot ikot ako sa loob ng airport.. naghanap ako ng adaptor.. unang tindahan, meron.. pero baka may mas mura.. sa tagal ng inikot ko sa airport, sa unang tindahan pa din ako bumagsak.. kelangan ko din bumili ng earphone.. 2 shops pinuntahan ko.. san ako bumagsak?!? dun din sa tindahan na binilhan ko ng adaptor.. at bumili na din ako ng candy sa malapit na drugstore.. ganyan magpatay ng oras, pabalik balik sa pinupuntahan..

nagbakasakali akong may aisle seat pa.. pumunta ako kay lolo sa transfer desk para humingi ng number at magtanong sa counter..

LOLO: Yes?
ME: I need a number to inquire if there's still available aisle seat on this flight (pinakita ang boarding pass).
LOLO: Let me check. There's no more. Go!. Next!.

ang sunget ng lolo na yun! buti nde ako pumapatol sa matatanda.. at dahil sinugitan nya ko at masakit na din paa ko, tumambay ako sa waiting area nila (kung san naghihintay ang mga tao para tawagin number nila) at ginawa kong lounge.. haha.. kala nya ah!.. dito ako nagbasa, nagtxt, nanuod ng tao, nagbasa, nagtxt, tumayo, umupo.. hirap talaga magpatay ng oras..

sa sobrang inip ko, naisipan kong magtoothbrush.. pero bago ko nakabili ng toothbrush, napadaan ako sa isang bookstore.. nalaman ko na mahal pala books dito sa singapore.. kaya ang nabili ko, travel document holder.. dali dali ako naghanap ng tambayan at parang bata na kinalikot ang bagong laruan.. habang kumakain ng tinapay, inayos ko ang travel documents ko.. 3 klaseng arrangements ang nagawa ko... pero sa 1st arrangement pa din ako bumagsak.. hehehe.. ngayon kelangan ko na bumili ng toothbrush.. hanap ng mabibilhan.. san ako nakabili?!? sa drugstore na binilhan ko ng candy.. natatawa na nga sa kin yun kahera kase ilang beses na nya ko nakitang padaan daan.. ano magagawa ko, eh wala ako magawa!..

sa gate, nagmasid ako ng mga kasabay ko.. at may napansin akong kakaiba.. ang tindi ng lalakeng 'to! sa public nangungulangot.. as in dig deep!.. at dahil malaki syang tao, mataba din mga daliri nya!.. matinde!!!.. naisip ko na lang na sana nde sya katabi ko..

boarding na.. ok naman seat ko.. sa kanan, may katabi akong parang Indian na Aleman.. pero inisip ko na lang na Aleman.. at wala syang amoy.. ayos!.. mukhang wala din akong katabi sa kaliwa.. at sa kasamaang palad, dumating ang nakaupo sa kaliwa.. hayuf! minalas pa!.. si booger ang katabi ko!.. eeewww!!..

Singapore-Frankfurt
mukhang hobby talaga ni booger ang mangulangot, kase maya't maya nya ginagawa 'to.. gross!.. ayan, namimigay na ng mani ang stewardess.. at si booger, sarap na sarap sa mani, pano mukhang may kasama na yatang kulangot!.. ang baboy!.. sana naman sa dinner di sya ganyan.. sa dinner, coffee lang inorder nya.. at dahil sa sobrang gutom ako, sarap na sarap akong kumain.. ng biglang ayan na naman sya.. di pa sya natuwang bilugin, pinitik pitik pa nya ngayon!.. naknampucha!.. nawalan na ko ng gana, pano naisip ko baka may tumalsik na sa pagkain ko.. grr!.. babawiin ko na lang sa tulog..

pinatay na ang ilaw sa eroplano.. intay ng konting oras para antukin.. tulog na din mga katabi ko.. dinalaw na ko ng antok ng biglang -- si booger natutulog ng nakanganga! wala naman kaso sa kin kahit pano pa sya matulog, kahit nakadilat pa mata nya.. pero naknampucha! dahil sa bibig sya humihinga, naamoy ko ang panis na laway nya!.. pakengshet!.. gusto ko na nga isubo sa kanya yun foam ng earphone ko, para lang makatulog ako.. ayan! gumalaw sya!.. tinikom ulit ang bibig.. patulog na ko ng biglang lumindol sa eroplano.. pano yun tao sa likod ko sikip sa upuan nya at dahil sa gumalaw sya, tumatama sya sa upuan ko.. grr!.. sinubukan ko bumaling sa kanan.. pero ang Aleman natutulog ng bukas ang tv at ako ay hinde nakakatulog ng maliwanag!.. isa pang pakengshet!.. pinilit ko pa din matulog, inantok na ko.. bigla naman umiyak si baby sa kabilang upuan.. sabay naging polluted na naman ang hangin.. kainis!..

12-13hrs akong gising.. buong byahe ko din hawak ang ilong ko.. at sa pakiramdam ko lumulutang utak ko dahil sa walang tulog..

Frankfurt-Prague
medyo ok ang flight na 'to.. dito ako nakakuha ng aisle seat at wala din ako katabi.. masarap sana matulog pero eto din ang shortest travel time ko (1hr).. (oo, "nyek!" talaga)..

hay naku.. ang buhay talaga, kapag minalas ka nga naman..


(pahabol: ang mga dambuhalang katabi ko, mga sugapa din sa arm rest.. kung mainit lang siguro sa loob ng eroplano, pawisan na kili kili ko sa sobrang ipit ng braso ko!.. bwisit!)

05 April 2005

strike two

the start of this year was one hell of a game.. i already hit two strikes in just four months.. imagine that!.. one more strike and seems like i'm out of the game...

STRIKE 1:
The Little Prince said, "it is the time that you have wasted for your rose [someone] that makes your rose [someone] so important".. and he really is.. my complementary.. my strength.. my happiness.. he who acquainted me to myself --- the one i've never known.. but then, reality bites.. time to go on separate ways.. everything has ended and i started recuperating..


STRIKE 2:
i came from a great ancestry where life's lessons are not read but experienced.. and my grandmother is the main character.. she always relay the same old script everytime we talk to her.. sign of old age.. but then i was thankful for that.. always doing things for us, our super hero.. she played with me in spite of the weak knees.. smiled at me through a weary wrinkled face.. cooked for me even with a bland taste.. and then unexpectedly, she was gone.. leaving me in a large debt for not paying her a visit for a long time.. but as kind as she always is, i was given a last chance to pay my debt.. and that's when i say my farewell and rest her in her grave..


it's only the first quarter of the year.. and it had been a bittersweet beginning.. lot of things will still be crossing my path.. might be bitter, might be sweet.. but then i realized that the only shortcut to this sorrowful emotion is through the miracle of acceptance.. and it doesn't matter how many strikes i make, i wouldn't be out of the league.. the more strikes, the more lessons learned.. and i think that's how the game of life goes..


(add to that bitter experience is Pope John Paul II's death.. i’m not a religious devotee, but i do acknowledge his endeavor to make this world a better place)