botchok

07 June 2005

things i've learned

ano ba so far ang mga natutunan ko sa stay ko dito sa praha?!?... eto ang ilan sa mga naaalala ko:

- kumain ng lamb, turkey at peking duck..
- uminom ng soft drinks..
- ma-addict sa kitkat at lion chocolates..
- kumain ng masarap na curry (nde yun mabuhangin sa dila!)
- uminom ng vodka, nde lang tequila (tweetums = vodka + orange)
- uminom magisa (pero libre)
- matulog ng matagal, magyosi ng todo, manuod ng tv maghapon (isang buong araw lang lahat!.. in short, buhay batugan!)
- maglaba araw araw (oo, sayang sa sabon at downy!)
- uminom ng 1-1½ litre(s) ng tubig sa isang araw..
- kumain ng yoghurt (libre din)
- magtanggal ng puting buhok mag-isa (mahirap to! lalo na yun sa parteng likod at ilalim ng ulo!)
- tumawa magisa habang nanunuod ng comedy sa tv (yun may sound na tawa pero nde halakhak)
- makipagtxt ng matagal (na may yosi) "habang nakaupo sa trono"
- magpaantok sa panunuod ng mga sasakyan sa kalye at mga makukulay na ilaw sa mga buildings (mas mayaman pa din sa kuryente ang makati!)
- magtsani ng kilay (yun mga sobra lang daw ang tanggalin sabi ng badingers)
- makinig ng "anomalya" sa katabing kwarto sa gabi (ok na pampatulog to.. haha!)
- magpicture ng sunset kapag naabutan (at ng sarili kung nde maabutan)
- na sa initan ng tubig ay pwedeng magsaing ng kanin, magluto ng pancit canton at syempre, maginit ng tubig (nde naman sinabing bawal eh!)
- mangurakot ng wine sa hotel dahil libre at gawing pasalubong (tipid!)
- manuod ng japanese, chinese, indian at czech documentaries, talk shows at kung "ano ano" pa kahit di maintindihan.. (bahala na kayo sa kung "ano ano" pa.. hehe)
- magbabad sa discovery channel at cnn..
- gumamit ng lotion na may omega pain killer (sarap pangmasahe!)
- magpapalit ng per diem magisa habang kabado sa mga mandurukot..
- magsimba tuwing linggo kahit bangenge pa sa antok..
- manilip sa metro/tram/bus (haha!.. kakatuwa to!)
- magblog!


(pahabol: ikunot ang noo at maginarteng galit or mainit ang ulo kapag magisa sa metro at may kasakay na mga lasing para nde maharass.. kase siguradong mapapansin dahil "different monkey")

7 comments:

  • Dear ate botchki,

    Bago po akong OFW dito sa Singapore at tlaga naman pong ako'y longkot na longkot kasi di ko ksama ang aking mga mahal sa buhay. Pero nung nabasa ko po yung blog nyo ay binigyan nyo ko ng maraming idea para magpalipas ng oras. Lalu na po yung magtsani ng kilay. Mali pala po ang tsinatsani ko. Kala ko kasi in pa rin yung super nipis, kaya halos kalbo na kilay ko. Maraming salamat po and more power to you.

    Nagmamahal and more power to you,
    Gerry

    ps
    Di ko na po gagawin yung lotion with omega painkiller kasi po nadaplisan ko po yung bet*** ko.. hayuf po sa sakit.

    by Anonymous Anonymous, at 3:40 PM  

  • anomalya!!! @_@
    ano ano pa ^_^
    Creative ah ^_~

    by Blogger do.0dz, at 3:43 PM  

  • dear fafah gerry,

    gawin mo lang lahat ng natutunan ko at siguradong nde ka na malolongkot dyan sa singapore.. naku! kung naubos na kilay mo, benta mo na yun tsani mo at bumili ka na lang ng pang drawing ng kilay.. ang sagwa kase kapag walang kilay ang tao.. imaginine mo! di ba parang puro noo lang makikita mo.. =P

    balik ka ulit,
    - botchok


    ps: nangamatis ba?!? =P

    by Blogger botchok, at 4:04 PM  

  • doodz, oo ganyan kapag magisa.. lumalabas ang potentials.. nagiging creative.. haha!.. =P

    by Blogger botchok, at 4:05 PM  

  • "kumain ng lamb, turkey at peking duck.."

    chuy dati ka pa kumakain ng peking duck =D

    andami mo natutunan jan.. congrats! hahaha

    by Anonymous Anonymous, at 4:45 PM  

  • pot, di ako kumakain ng peking duck.. kahit nun nasa singapore.. hanggang chicken lang ako.. =)

    yup, dami nga.. ilan pa lang yan ah.. di ko na maisip yun iba.. hehe.. =)

    by Blogger botchok, at 4:53 PM  

  • "manilip sa metro/tram/bus (haha!.. kakatuwa to!)"

    dami nagreact dito.. haha.. ibahin nyo ko mga tsong!.. iba yun paninilip ko.. walang kasamang malisya..

    yun sa kin eh tipong, sarap batukan ng babaeng to at sabay sabihan ng "nde naman mahangin noh?" o di kaya "miss, natanggal yata yun butones ng blouse nyo".. or pwede din na "miss, hirapan ba makahinga yun dibdib mo?".. hehehe.. =P

    by Blogger botchok, at 11:38 PM  

Post a Comment

<< home