baket?!?
- baket kung kelan may dalang payong saka nde umuulan at kung kelan nde dala saka umuulan?!?
sya: umuulan!
ikaw: *yamot*.. siyet! kung kelan di ko dala payong ko saka naman umulan!
- baket kung kelan meron pambili ng gustong damit/sapatos saka walang stock/size at kung kelan walang pambili saka naman meron?!?
- baket kung kelan may pasa na masakit saka pipindutin ng tao at sabay tatanungin kung masakit?!?
sya: ay may pasa ka (turo, sabay pindot).. masakit?
ikaw: *tiger look*
- baket kapag naisip yun ayaw mangyari saka nangyayari at kapag inisip yun gusto mangyari saka nde nangyayari?!?
- baket kung kelan nde sasakay saka dumadaan yun mga sasakyan at kung kelan sasakay na saka nde dumadaan?!?
sya: eto dadaan ba to?
ikaw: nde yan.. yun kagaya nun mga dumadaan kanina ang pwede..
- baket kapag nalaman ng tao na mabaho isang bagay kelangan pa ipaamoy sa iba?!?
sya: langya! ang baho nito!.. amuyin mo..
ikaw: *tiger look*
- baket kapag may pagkain ibang tao masarap makikain pero kapag ikaw na bumili nde na masarap?!?
sya: *kumakain*.. sarap talaga nito.. di ba bumili ka din?
ikaw: *nakikikain*.. yup, andun di ko pa nakakain..
- baket kapag sa tingin ng tao sira na isang pagkain kelangan pa ipatikim sa iba?!?
sya: hmm.. sira na to.. tikman mo..
ikaw: *tiger look*
- baket kapag may nakitang nagtatanggal ng muta saka magtatanggal ng sariling muta?!?
sya: *nagtanggal ng muta*
ikaw: *gaya gaya.. tanggal din ng muta*.. meron pa ba?
- baket sa sinehan kahit alam na nakakagulat yun scene, nagugulat pa din?!?
sya: nyee.. mukhang nakakagulat tong scene na to..
ikaw: oo nga..
*tapos sabay pa nagulat*
- baket kapag kelangan ang isang bagay saka nawawala at kapag di kelangan saka nakikita?!?
ikaw: andito lang yun.. di ba nakita mo din yun dito?
sya: oo, nun isang araw pakalat kalat yun..
- baket kapag tumanda saka nagpapabata at kung kelan bata saka nagpapamature effect?!?
(marami pang tanong na "baket" sa mundo.. sadyang maloko ang tadhana.. pati ang ibang tao.. hehe.. =P)
10 comments:
ang hilig mo sa tiger look.. marunong ka ba?? patingin ngaaaa =P
by Anonymous, at 10:42 AM
tiger look!! bow!
by Anonymous, at 3:56 PM
dear ate botchki,
ako rin po may baket na tanong.
baket? salamat po.
Next question po.
Baket po pag may nag hikab.. tendency mo ring humikab? Tsaka po bakit yung ibang taong nahikab pinipigil nilang bumuka ang bibig nila. Para tuloy sasabog ang ulo nila kasi nanginig yun.
Ayun lang po ate botchki.
Salamat po ulet.
by Anonymous, at 3:58 PM
oo pot.. marunong "daw" ako mag "tiger look".. tanong pa si.. hahaha.. =)) ganyan daw ako magreact eh.. =P
by botchok, at 4:41 PM
fafah gerry, nagbalik ka.. maaming salamat.. hehehe.. =)
naisip ko din isama yan tanong na yan.. pero naisip ko din na baka naman may scientific ekek dyan.. di ko din alam sagot eh.. search mo na lang sa net.. =))
pero oo, ganyan ako.. minsan pinipigilan ko ibuka bibig ko.. pero walang kasamang nginig.. haha.. =)) chinachallenge ko lang sarili ko kung kaya ko.. yun iba di ko lam kung ano reason nila.. =P
by botchok, at 4:45 PM
dearest ate botchki,
Bakit po ang mga lalaking **** ay malilibog? May nakapagsabi kasi sa po akin na ganito tlaga sila. Kung totoo po yun eh, kung may kilala po kayo ay sana ay ipakilala mo rin po nyo sa akin.
Umaasa gerry
by Anonymous, at 12:23 PM
dear fafah gerry,
mga lalaking ano?!?.. hehehe.. msg mo sa kin? iba iba naiisip ko eh.. =P
sabihan na din kita kung may kakilala ako.. =P
- botchok
by botchok, at 5:50 PM
dear fafah gerry,
ayan!.. dahil sa sinabi mo na sa kin, naliwanagan ako.. at mukhang pareho tayo ng naisip.. hehehe.. =P
ang masasabi ko lang, mukhang totoo yun!.. haha.. madami akong kilalang ganyan.. kapag naka daupang-palad ko ulit sila, ipapahiwatig ko na interesado ka.. hehe.. =P
- botchok
by botchok, at 6:29 PM
interesting ha... ipaabot nyo rin sakin yan!
eto po ang tanong ko, may koneksyon ba talaga ang size ng paa? o size ng kamay? which is which? o wala naman talaga koneksyon? hehe....
by squishybear, at 3:27 PM
usually sa paa yata.. wala pa kong narinig na naging sukatan ang kamay!.. =D
ang sagot: di ko din alam kung totoo.. pero parang kahit san lupalop ako nakarating kahit dito sa praha, nagiging sukatan din ang paa.. para sa medyas di ba?!? hehe.. =P
by botchok, at 8:40 PM
Post a Comment
<< home