minamalas
sa daming beses na ko nagtravel, eto na yata pinakaworse ko..
Manila-Singapore
wala akong nakuhang aisle seat.. kung gano kahaba yun eroplano, dun ako sa hulihan nakaupo.. ok naman katabi ko, kaya pwede siguro matulog.. pero mukhang nde yata.. kase ang nanay sa unahan ko nagkwekwento ng buhay nya.. nde lang katabi nya nakikinig sa kanya, pati halos kalahati ng tao sa eroplano!.. hehehe..
6 na oras ang kelangan ko patayin para sa next flight ko.. nagikot ikot ako sa loob ng airport.. naghanap ako ng adaptor.. unang tindahan, meron.. pero baka may mas mura.. sa tagal ng inikot ko sa airport, sa unang tindahan pa din ako bumagsak.. kelangan ko din bumili ng earphone.. 2 shops pinuntahan ko.. san ako bumagsak?!? dun din sa tindahan na binilhan ko ng adaptor.. at bumili na din ako ng candy sa malapit na drugstore.. ganyan magpatay ng oras, pabalik balik sa pinupuntahan..
nagbakasakali akong may aisle seat pa.. pumunta ako kay lolo sa transfer desk para humingi ng number at magtanong sa counter..
LOLO: Yes?
ME: I need a number to inquire if there's still available aisle seat on this flight (pinakita ang boarding pass).
LOLO: Let me check. There's no more. Go!. Next!.
ang sunget ng lolo na yun! buti nde ako pumapatol sa matatanda.. at dahil sinugitan nya ko at masakit na din paa ko, tumambay ako sa waiting area nila (kung san naghihintay ang mga tao para tawagin number nila) at ginawa kong lounge.. haha.. kala nya ah!.. dito ako nagbasa, nagtxt, nanuod ng tao, nagbasa, nagtxt, tumayo, umupo.. hirap talaga magpatay ng oras..
sa sobrang inip ko, naisipan kong magtoothbrush.. pero bago ko nakabili ng toothbrush, napadaan ako sa isang bookstore.. nalaman ko na mahal pala books dito sa singapore.. kaya ang nabili ko, travel document holder.. dali dali ako naghanap ng tambayan at parang bata na kinalikot ang bagong laruan.. habang kumakain ng tinapay, inayos ko ang travel documents ko.. 3 klaseng arrangements ang nagawa ko... pero sa 1st arrangement pa din ako bumagsak.. hehehe.. ngayon kelangan ko na bumili ng toothbrush.. hanap ng mabibilhan.. san ako nakabili?!? sa drugstore na binilhan ko ng candy.. natatawa na nga sa kin yun kahera kase ilang beses na nya ko nakitang padaan daan.. ano magagawa ko, eh wala ako magawa!..
sa gate, nagmasid ako ng mga kasabay ko.. at may napansin akong kakaiba.. ang tindi ng lalakeng 'to! sa public nangungulangot.. as in dig deep!.. at dahil malaki syang tao, mataba din mga daliri nya!.. matinde!!!.. naisip ko na lang na sana nde sya katabi ko..
boarding na.. ok naman seat ko.. sa kanan, may katabi akong parang Indian na Aleman.. pero inisip ko na lang na Aleman.. at wala syang amoy.. ayos!.. mukhang wala din akong katabi sa kaliwa.. at sa kasamaang palad, dumating ang nakaupo sa kaliwa.. hayuf! minalas pa!.. si booger ang katabi ko!.. eeewww!!..
Singapore-Frankfurt
mukhang hobby talaga ni booger ang mangulangot, kase maya't maya nya ginagawa 'to.. gross!.. ayan, namimigay na ng mani ang stewardess.. at si booger, sarap na sarap sa mani, pano mukhang may kasama na yatang kulangot!.. ang baboy!.. sana naman sa dinner di sya ganyan.. sa dinner, coffee lang inorder nya.. at dahil sa sobrang gutom ako, sarap na sarap akong kumain.. ng biglang ayan na naman sya.. di pa sya natuwang bilugin, pinitik pitik pa nya ngayon!.. naknampucha!.. nawalan na ko ng gana, pano naisip ko baka may tumalsik na sa pagkain ko.. grr!.. babawiin ko na lang sa tulog..
pinatay na ang ilaw sa eroplano.. intay ng konting oras para antukin.. tulog na din mga katabi ko.. dinalaw na ko ng antok ng biglang -- si booger natutulog ng nakanganga! wala naman kaso sa kin kahit pano pa sya matulog, kahit nakadilat pa mata nya.. pero naknampucha! dahil sa bibig sya humihinga, naamoy ko ang panis na laway nya!.. pakengshet!.. gusto ko na nga isubo sa kanya yun foam ng earphone ko, para lang makatulog ako.. ayan! gumalaw sya!.. tinikom ulit ang bibig.. patulog na ko ng biglang lumindol sa eroplano.. pano yun tao sa likod ko sikip sa upuan nya at dahil sa gumalaw sya, tumatama sya sa upuan ko.. grr!.. sinubukan ko bumaling sa kanan.. pero ang Aleman natutulog ng bukas ang tv at ako ay hinde nakakatulog ng maliwanag!.. isa pang pakengshet!.. pinilit ko pa din matulog, inantok na ko.. bigla naman umiyak si baby sa kabilang upuan.. sabay naging polluted na naman ang hangin.. kainis!..
12-13hrs akong gising.. buong byahe ko din hawak ang ilong ko.. at sa pakiramdam ko lumulutang utak ko dahil sa walang tulog..
Frankfurt-Prague
medyo ok ang flight na 'to.. dito ako nakakuha ng aisle seat at wala din ako katabi.. masarap sana matulog pero eto din ang shortest travel time ko (1hr).. (oo, "nyek!" talaga)..
hay naku.. ang buhay talaga, kapag minalas ka nga naman..
(pahabol: ang mga dambuhalang katabi ko, mga sugapa din sa arm rest.. kung mainit lang siguro sa loob ng eroplano, pawisan na kili kili ko sa sobrang ipit ng braso ko!.. bwisit!)

2 comments:
hahaha.. your learning chuy. Natawa ako dun
by Anonymous, at 3:21 PM
very nice adventure hehehe(LMAO). At least you get to travel a lot and meet new people even if you don't like them ehehehe. But the Deja vu thingy...there is some truth in it, having to go around, sometimes far away but keeps coming back to the same old spot (@_@ ano daw haha!). Well, it's nice to know you've enjoyed your trip ;) Take care wherever you are
by do.0dz, at 4:32 PM
Post a Comment
<< home