botchok

19 May 2005

matang dilat

punyemas!.. palagi na lang akong inaatake ng insomnia*.. sabihin na natin na sanay na ko pagising gising kapag natutulog sa gabi.. high school ko pa naging sakit eto.. dala yata ng pag-aaral sa madaling araw ng mga panahon na yun.. (kaya mga bata, wag na kayo mag-aral, magkakasakit lang kayo! haha).. sanay na kong bisitahin ng sakit na to.. pero lekat!.. ang nde ako sanay eh kung anong oras sya aatake.. dati rati 4 ng umaga ako dinadalaw.. consistent yun.. matulog man ako ng maaga or late, magigising talaga ko ng alas kwatro.. pero nagbago na ang visitation hours ng kolokoy.. ngayon mas pinaaga ang dalaw.. 3 ng umaga!.. naknampucha!.. kesehodang pagod na pagod ako sa trabaho, walang konsiderasyon ang kumag!.. dadating talaga na dilat ang aking mga mata pagpatak ng alas tres ng umaga.. pilitin ko man matulog ulit, nde na kaya.. hanggang sa mararamdaman ko na lang na umaga na at kelangan ng iwan ang kama..

sabi nila may gamot naman daw.. valuum, tranquilizer, melatonin.. mga gamot pampatulog.. pero ni nde ko binalak na uminom nyan.. di ko kase alam baka may side effect at baka addictive.. mahirap na baka maging dependent.. maswerte lang ako kase yun katawan ko makatulog lang ng 4-6 na oras, ganado na.. (kapag natulog ako ng lagpas 6 hours, lalo akong antukin!.. abnormal! haha).. ang problema ko lang, isa akong anemic*!.. nde naman malala.. pero naisip ko lang baka lumala dahil sa insomnia.. lalo ako magkukulang sa dugo dahil nde ako nakakatulog ng maayos.. at opo ate, opo koya.. matigas ang ulo ko.. nde ako umiinom ng iron supplement.. di ko din alam kung baket.. praning!

anemic due to insomnia.. sagwa!.. halatang sakiting bata!..


(*in·som·ni·a - n. chronic inability to fall asleep or remain asleep for an adequate length of time.
*a·ne·mic - adj. relating to or suffering from anemia*
*a·ne·mia - n. a pathological deficiency in the oxygen-carrying component of the blood, measured in unit volume *&*$%^(%#!%$&~$#... -- > ano daw?!?.. punyemas!.. kulang sa dugo! yun lang yun!.. =P )


2 comments:

  • hahahaha natawa ako sa last line.

    mabuti naman at me bagong article ka ulit.

    magsulat ka na lang chuy pag inaatake ka ng sakit mo.

    by Anonymous Anonymous, at 2:26 PM  

  • pot, edi lalo naman ako nde nakatulog kase magiging busy utak ko.. kaya minsan pinipilit ko na lang din matulog ulit.. hehe.. :p

    by Blogger botchok, at 4:45 PM  

Post a Comment

<< home